COVID mabilis na kumakalat sa Maynila- OCTA

COVID mabilis na kumakalat sa Maynila- OCTA

January 3, 2022 @ 5:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Mas mabilis pa kumpara sa pagkalat ng Delta, umakyat na ang reproduction rate ng coronavirus disease (COVID-19) sa Maynila sa “very high” level na 4.78, ayon sa OCTA Research group nitong Lunes.

Tumutukoy ang reproduction rate sa average number ng secondary infections mula sa isang kaso ng virus.

“It is definitely faster [than the Delta surge]. During the Delta surge, [the reproduction rate], it never reached past two, so that means one person was infecting about two other people. But this time, it’s almost at five so one person is infecting five other people on average,” ani OCTA fellow Dr. Guido David sa CNN Philippines.

Patuloy niya, mataas ang posibilidad na mas mataas ang magiging kaso ng bagong variant sa rehiyon kumpara sa Delta surge. RNT/SA