COVID matatalo sa disiplina, kooperasyon – Sara Duterte  

COVID matatalo sa disiplina, kooperasyon – Sara Duterte  

January 15, 2022 @ 9:51 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Mariing inapela ni Vice presidential aspirant Sara Duterte sa publiko ang kooperasyon at disiplina sa patuloy na laban ng bansa sa pandemya.

Nananatiling positibo ang Davao City mayor na matatalo ng Pilipinas ang COVID.

Paalala ni Mayor Sara sa kanyang video message, dapat mas maging maingat ang lahat at sumunod sa heath protocols na itinakda ng Department of Health.

Partikular na rito ang pagsusuot ng face masks, social distancing, proper handwashing, at pag-iwas sa mass gathering.

“Hindi pa nga natin tuluyang nalampasan ang Delta variant — mayroon na namang Omicron variant,” dagdag pa ng opisyal.

“Iwasan natin ang mga matataong lugar. Kung nasa mga pampublikong lugar naman — dumistansya po tayo sa iba.”

Hinikayat din nito ang publiko na magpabakuna ng primary dose at booster shots.

“Lumapit po tayo sa ating mga lokal na opisyal sakaling hindi pa tayo nababakunahan.” RNT/FGDC