COVID measures, economic recovery ng Pinas pinuri ng Vietnam PM

COVID measures, economic recovery ng Pinas pinuri ng Vietnam PM

November 11, 2022 @ 7:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh ang ginawang hakbang ng Pilipinas para labanan ang COVID-19 pandemic at maging ang economic recovery efforts sa isinagawang pulong kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagkita at nagpulong ang dalawang lider sa sidelines ng 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia, kung saan nagpahayag ng intensyon si Marcos na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa pagdating sa agrikultura, kalakalan at seguridad.

“I wish to send my congratulations to the people of the Philippines for containing the COVID-19 pandemic and sustaining a high growth rate of GDP,” ayon kay Pham.

Hinggil naman sa usapin na may kinalaman sa seguridad, kalakalan at agrikultura, napagkasunduan ng dalawang bansa na palakasin ang ugnayan.

Looking forward naman ang Pangulo na makatrabaho ang gobyerno ng Vietnam.

“As we have observed, the Philippines and Vietnam, since the beginning of our diplomatic relationship, have had a burgeoning, a growing relationship, both in the political and security side and of course, in terms of trade and in people-to-people exchanges,” aniya pa rin.

Binanggit din nito ang tumaas na “total trade” sa pagitan ng dalawang bansa, na may overall trade na kulang-kulang sa US$6 bilyon, mas mataas sa pre-pandemic levels.

Umaasa naman ang Marcos na matutugunan ang trade imbalance sa pagitan ng dalawang bansa.

“In the past few years, we have seen the great success, the great economic success that Vietnam has enjoyed and with that even Filipino investors have started to go to Vietnam to be part of this development in your country, and since then our trade has increased,” ang wika ng Pangulo.

Muli namang itinatag ng Pilipinas ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Ho Chi Minh, inaasahan na makagaganda sa economic relations sa pagitan ng Vietnam at Pilipinas.

Sa aspeto naman ng agrikultura, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Vietnam ay matibay na katuwang ng bansa sa food security dahil sa 90% ng rice imports ay mula dito.

“Marcos also accepted Pham’s invitation for a state visit to Vietnam,” ayon naman sa OPS.

Samantala, sa nasabi pa ring pulong, binanggit din ni Pangulong Marcos ang pangangailangan para sa ASEAN na magkasundo sa pagtugon sa mga suliranin katulad na lamang ng lumalalang tensyon sa Taiwan at krisis sa Myanmar.

“All of these issues are of extreme importance and of extreme urgency. And that is why I believe ASEAN must find common ground from which to face those challenges,” ani Pangulong Marcos. Kris Jose