16 kinasuhan sa pag-divert ng NGO fund sa CCP-NPA

August 16, 2022 @9:24 AM
Views:
3
MANILA, Philippines- Isinapubliko ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes ang pangalan ng 16 na indibidwal na sinasabing bahagi ng pakikipagsabwatan para mapondohan ng pera ng mga dayuhan ang ilang non-government organization (NGOs) na pang-pronta umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at mga kaalyadong grupo nito.
Ang nasabing 16 na indibidwal ay sasampahan ng DOJ ng kasong kriminal matapos na makitaan ito ng probable cause para kasuhan sina:
-
Emma Teresita Cupin,
-
Susan Dejolde,
-
Ma. Fatima Napoles Somogod,
-
Augustina Juntilla,
-
Maryjane Caspillo,
-
Melissa Comiso,
-
Czarina Golda Selim Musni,
-
Maridel Solomon Fano,
-
Jhona Ignilan Stokes,
-
Hanelyn Caibigan Cespedes,
-
Angelie Magdua,
-
Emilio Gabales,
-
Mary Louise Dumas,
-
Aileen Villarosa,
-
Evelyn Naguez at
-
Aldeen Yañio
Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na sina Musni, Fano, Dumas, at Villarosa ay mga miyembro ng CPP-NPA at ginawang payee sa ilang mga tseke na inisyu sa ilalim ng pangalan ng Rural Missionaries of the Philippines at Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region (RMP-NMR).
Sinabi ng DOJ na batay sa sinumpaang salaysay ng dalawang dating miyembro ng CPP-NPA, inusisa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga bank account ng RMP/RMP-NMR.
Ang isa sa dalawang saksi ay dating finance officer ng iba’t ibang larangan ng CPP-NPA NGO, kabilang ang RMP.
Ayon sa saksi, ang RMP ay nagpapadala ng mga panukalang proyekto sa mga dayuhang nagpopondo. Kapag naaprubahan, ang pera ay idi-divert sa mga komunistang teroristang grupo.
Si Cespedes at Magdua, na kumikilos umano bilang mga cashier at sa utos ni Gabales, ay namahagi ng mga pondo; Nagbigay si Cespedes ng 60 porsiyento kay Fano sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tseke; at si Fano naman ay nagpadala ng pondo kay Yañez, na isang opisyal ng CPP-NPA.
Sina Cupin, Dejolde, Comiso, Caspillo, at Juntilla ay mga miyembro ng RMP board of trustees at may hawak na pangkalahatang pangangasiwa at kontrol sa mga operasyon ng grupo, sinabi pa ng DOJ.
Nauna nang inutusan ng AMLC ang bangko na i-freeze ang RMP accounts sa loob ng 20 araw, na pinalawig ng Court of Appeals sa anim na buwan.
Ang CPP-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.
Pormal ding itinalaga ng Anti-Terrorism Council ang National Democratic Front bilang isang teroristang organisasyon noong Hunyo 23, 2021, na binanggit ito bilang “isang integral at hindi mapaghihiwalay na bahagi” ng CPP-NPA na nilikha noong Abril 1973. RNT
Pagbili ng helicopter sa US kinokonsidera ng Pinas

August 16, 2022 @9:11 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas na bumili ng Chinook helicopters mula sa Estados Unidos matapos iatras ang kontrata sa pagbili sana ng 16 Russian helicopters.
Sa isang online media forum, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na ang kanselasyon ng kontrata ay “precipitated mainly by the war in Ukraine.”
“While there are sanctions expected to come our way, from the United States and western countries, obviously it is not in our interest to continue and pursue this contract,” ayon kay Romualdez.
Ang Chinooks ang ipapalit sa ‘heavy lift helicopters’ na kailangan ng armed forces ng bansa para sa ‘movement of troops at disaster preparedness.’
“I understand the United States has offered to try to come up with a similar amount that we were going to spend with the Russian helicopters. In other words, at a special price,” ani Romualdez.
“The US deal offers maintenance services and helicopter parts,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, nilagdaan ang military procurement contract noong November 2021 sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ito’y para bumili ng 16 Mi-17 Russian military transport helicopters na may karagdagang unit ng Soviet era heavy-lift aircrafts na isasama ng walang bayad.
Nauna rito, bumuo ang Department of National Defense ng isang komite para gawing pormal ang withdrawal o pag-atras mula sa kontrata na nagkakahalaga ng P12.7 bilyong piso o US$244.2 million.
Tinitingnan din aniya ng gobyerno ang pagkuha ng suplay ng ibang bagay na maaaring kailangan ng bansa mula sa Russia kapalit ng helicopters.
“As part of the payment of the I think, of about US$38 million that we paid the downpayment for the helicopters,” ani Romualdez sabay sabing. “So, in exchange for that, we will probably get some of the arms that we may need.” Kris Jose
DOH: Pag-alis sa COVID state of calamity pwede sa pag-amyenda ng PH Vax Program Act

August 16, 2022 @8:57 AM
Views:
12
MANILA, Philippiens – Irerekomenda lamang ng Department of Health (DOH) ang pag-alis sa state of calamity kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kung ang COVID-19 Vaccination Program Act ay aamyendahan at mas maraming COVID-19 booster shots ang ibibigay.
Ito ang binanggit ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa Senate health and demography committee hearing nitong Lunes matapos tanungin ni Senator Risa Hontiveros ang kanilang kahilingan na amyendahan ang COVID-219 Vaccination Program Act na mae-expire sa oras na maalis ang state of calamity sa September 12,2022.
Ayon kay Vergeire, pagdating sa state of calamity, hindi aniya nila inirekmenda sa Pangulo pero tinalakay sa kanya ang kasalukuyang COVID situation .
Dagdag pa ng opisyal, sinabi ng DOH sa Pangulo na kung mapapabuti pa ang wall of immunity sa ating populasyon sa pamamagitan ng pagtaas ng coverage o saklaw para sa mga unang boosters at pagkatapos ay maari nang ipatupad ang mas mababang mga paghihigpit sa buong populasyon at isasama ang state of calamity na inilabas sa pamamagitan ng Executive Order.
“So I told him, we recommended that if we can amend the RA 11525 and if the situation would already improve by that time, September 12 is the validity, and then he can very well lift the state of calamity if the conditions or the improved vaccination also will happen,” dagdag pa ni Vergeire.
Aniya, inirekomenda nila sa Pangulo ang pag-amyenda sa RA 11525 at inuulit na maapektuhan ang emergency use authorization , tax exemptions, price caps at mga benepisyon ng healthcare workers.
Ipinaliwanag din ni Vergeire na ang pagdaan sa batas sa halip na irekomenda ang pagpapalwig ng state of calamity ay naayon sa direksyon ng kasalukuyang administrasyon upang higit na buksan ang ating ekonomiya at ang mga sektor.
“That is not how they were thinking, Senator Risa. What we were discussing actually would really, to balance the health and the economy”, tugon ni Vergeire nang tanungin ng senadora kung ayaw ng administrasyon na palawigin ang state of calamity dahil natatakot silang sabihin sa publiko na delikado pa rin ang sitwasyon ng COVID-19.
Sinabi rin ni Vergeire na tinanong sila ng Pangulo kung kaya pang magpatuloy ang sitwasyon ng bansa kahit na bawasan ng gopbyerno ang ilang mga paghihigpit kabilang ang pag-ais ng state of calamity at pagtanggal ng face masks.
“It is just that DOH would like to ensure that if and when the state of calamity will be lifted, ‘yun pong considerations natin for the vaccine deployment pati ‘yung sa healthcare benefits would still remain to be intact through a legislation,” ani Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P20M ‘tsaabu’ nasabat sa QC

August 16, 2022 @8:45 AM
Views:
24
MANILA, Philippines – Nasabat ng pulisya ang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang sahabu sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City.
Aabot sa tatlong kilong shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek na kinilala ng pulisya na si Jerome Labita, 20-anyos, binata, residente ng Varsity Lane, Barangay Pasong Tamo, Quezon City; at John Lester Lacaba Manipol, 24 taong gulang, binata, at residente ng Sauyo, Quezon City.
Nasamsam sa suspek ang isang vacuum sealed plastic Chinese tea bag na may tinatayang timbang na isang (1) kilo na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang Shabu na may standard price na P6,800,000; dalawang pirasong vacuum sealed plastic Chinese tea bags na may tinatayang timbang na dalawang (2) kilo at naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may presyong P13,600,000, boodle money na ginamit bilang buy-bust money; dalawang (2) unit ng smart phones, isang unit na SUV (Toyota Fortuner black) na may plate number NQX345, at sari-saring Identification Card at mga dokumento.
Nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad at sasampahan ng kaukulang kaso. RNT
Mga magsasaka dapat may ‘say’ sa itatalagang DA official

August 16, 2022 @8:31 AM
Views:
17