COVID Omicron variant mapanganib pa rin – Palasyo 

COVID Omicron variant mapanganib pa rin – Palasyo 

January 15, 2022 @ 11:51 AM 4 days ago


Manila, Philippines – Ipinaalala ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mapanganib pa rin ang COVID Omicron variant lalo pa ngayong tumataas ang kaso ng COVID.

Aniya, hindi dapat mapanatag ang publiko lalo pa ang mga hindi bakunado.

 “Ganito po inilarawan ng World Health Organization ang Omicron: ‘Dangerous especially for the unvaccinated,’ kaya huwag po tayong magpakakampante,” ani Nograles.

“Ang obserbasyon na hindi malala ang sintomas o iyong sinasabi iyong sakit na dulot ng Omicron kung ikukumpara sa Delta variant ay applicable lamang po sa mga fully vaccinated.”

“Patuloy tayong mag-mask nang tama, maghugas ng kamay, umiwas sa mararaming tao o iyong mga matataong lugar, at magpabakuna na po at magpa-booster shots na po,” dagdag pa nito.

“Ang mga simpleng bagay na ito ang sasagip sa atin at sa ating bansa at sa sitwasyong kinakaharap po natin ngayon. Panghuli, patuloy po tayong magtulungan.”

Nasa ilalim naman ng Alert Level 3 ang NCR hanggang katapusan ng buwan. RNT/FGDC