COVID outbreak sa NCR ‘severe’- OCTA

COVID outbreak sa NCR ‘severe’- OCTA

January 11, 2022 @ 5:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inilarawan ng OCTA Research Group nitong Martes ang coronavirus disease (COVID-19) situation sa National Capital Region (NCR) bilang “severe outbreak”, na may average daily attack rate (ADAR) na 89.42 porsyento mula Enero 4 hanggang 10.

Batay sa ulat, sinabi ng OCTA Research Group na mas mataas ang kasalukuyang ADAR ng NCR sa threshold para sa severe outbreak na mas mataas sa 75 kada 100,000 indibidwal kada araw.

Nasa 12.71 lamang ang ADAR para sa Disyembre 28, 2021 hanggang Enero 3, 2022. RNT/SA