COVID outbreak sa schools ‘di maiiwasan-OCTA

COVID outbreak sa schools ‘di maiiwasan-OCTA

August 12, 2022 @ 6:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng independent monitoring group na OCTA Research na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19 outbreak sa pagbabalik ng in-person classes.

Ani OCTA fellow Dr. Guido David na ang mga paaralan ay dapat magkaroon ng mga patakaran kontra COVID-19 at dapat maging handa ang mga magulang sa kanilang ekspektasyon.

“Hindi naman natin maiiwasan na magkaroon ng mga outbreak — di naman siguro surge pero may mga, magkakaroon ng mga outbreak sa schools. Kung may magkakahawaan, asahan na,” ani David sa interbyu sa Teleradyo.

Sa kabila nito, sinabi ni David na ang impeksyon sa mga bata ay malabong maging malala ngunit posible pa rin ito.

“Karamihan naman ng mga bata kapag nahawaan ay mild o asymptomatic lang naman, kasi malakas naman ang katawan nila. Pero there will be, still a few cases na baka maging malubha,” aniya.

Pinayuhan ni David ang mga paaralan na mag-ingat sa in-person classes, tulad ng pagbabakuna sa mga guro at pagtiyak ng maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan.

Nauna nang nagtakda na ang Department of Education (DepEd) ng guidelines para sa pagbabalik ng face-to-face classes sa pamamagitan ng DepEd Order No. 34. RNT