COVID pandemic sa Pinas, matatapos na pero DOH may babala pa rin

COVID pandemic sa Pinas, matatapos na pero DOH may babala pa rin

September 18, 2022 @ 9:53 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng ilang babala, naniniwala ang Department of Health (DOH) na malapit nang matapos ang nararanasang ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Babala ni DOH-OIC Maria Rosario Vergiere na hindi pa rin dapat magpakampante ang bawat isa at sa halip ay mas paigtingan pa ang mga panuntunan kontra COVID-19.

Pero nilinaw ni Vergeire na ang pagtatapos ng pandemya ay hindi nangangahulugan na wala na ang virus sa bansa.

Giit ng opisyal, ang mga Pilipino ay kailangang matuto na mamuhay kasama ang virus kung saan magdudulot parin aniya ito ng mangilan ngilang outbreaks at pagkamatay.

Dapat din mas palakasin pa ang health system ng bansa, ang immune system ng bawat isa at ang health facilities ng Pilipinas para maging preparado sa anumang sitwasyon.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng WHO na malapit nang matuldukan ang nararanasang pandemya sa buong mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden