COVID pandemic tapos na – German virologist

COVID pandemic tapos na – German virologist

December 27, 2022 @ 10:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ikinukunsidera ng isang kilalang German virologist na si Christian Drosten na tapos na ang COVID-19 pandemic at maaari na itong ikunsidera na endemic disease.

Ito ang sinabi niya sa Tagesspiegel newspaper, isang lokal na diyaryo sa bansa.

“We are experiencing the first endemic wave with Sars-CoV-2 this winter; in my estimation the pandemic is over,” ani Drosten, head of virology ng Charité University Hospital sa Berlin.

Aniya, matapos ang taglamig, magiging mas matibay at resilience sa virus ang katawan ng mga tao at maaaring mas lumiit na ang tiyansa ng pagkalat nito sa tag-araw.

Sinegundahan din ito ng intensive care physician na si Christian Karagiannidis, miyembro rin ng COVID-19 expert council ng Germany, at nagsabing maaari nang matapos ang pandemya sa pagtatapos ng winter season.

“I expect that the pandemic will now increasingly run its course,” ani Karagiannidis sa panayam ng Redaktionsnetzwerk Deutschland (RND).

Bagama’t maaari pa rin umanong magkaroon ng isa o dalawang maliit na wave ng COVID-19, mas matibay na ang immunity ng populasyon ng mundo kung kaya’t kakaunti na lamang ang mga pasyenteng dadalhin sa intensive care units.

Itinuturing ni Drosten na tagumpay sa COVID-19 ang vaccination campaigns ng Germany at iba pang bansa sa Europa na dahilan para matapos na ang pandemya.

Nilinaw naman niya na hindi ganito ang sitwasyon sa China na humaharap na naman sa panibagong krisis dulot ng COVID-19. RNT/JGC