COVID patient sa DavOr, patay sa Beta variant

COVID patient sa DavOr, patay sa Beta variant

July 9, 2021 @ 2:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nasawi ang isang COVID-19 patient na positibo sa South African variant sa Davao Oriental.

Kinumpirma ito mismo ni Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum ng Department of Health.

Mayroon aniyang comorbidities na hypertension at diabetes ang 63-anyos na lalaki.

Ayon kay Vergeire, tinamaan ng COVID-19 ang pasyente at nang isalang sa sequencing ay nagpositibo sa South Africa variant.

Namatay naman ito noong Mayo 17, 202 .

Sa kabila nito, pinawi naman ni Vergeire ang anomang posibleng pangamba o takot na idulot nito sa publiko.

Aniya, ang pasyente ang “very vulnerable” at maaaring naging factor ang mga sakit nito sa nangyari sa kanya o nang kanyang pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden