COVID pill ng Merck aktibo vs Omicron

COVID pill ng Merck aktibo vs Omicron

January 29, 2022 @ 4:30 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naobserbahan ng Merck & Co Inc at Ridgeback Biotherapeutics sa anim na lab study na aktibo ang kanilang experimental oral COVID-19 drug molnupiravir laban sa Omicron variant.

Sa ngayon ay inaaral pa ang Molnupiravir  laban sa Omicron sa human studies.

Ang Molnupiravir at rival oral pill ng Pfizer Inc ay inawtorisahan sa United States noong Disyembre at sinabing mahalaga laban sa nasabing variant.

Ginagamit na rin ito sa higit 10 bansa kasama na ang United States, United Kingdom, at Japan. RNT/FGDC