COVID posibleng sanhi ng Wuhan lab accident – FBI director

COVID posibleng sanhi ng Wuhan lab accident – FBI director

March 1, 2023 @ 3:10 PM 4 weeks ago


UNITED STATES – Naniniwala si FBI Director Christopher Wray at ang kanyang ahensya, na posibleng dahilan ng isang insidente sa laboratoryo sa Wuhan, China kung kaya’t kumalat ang sakit na COVID-19 sa mundo.

“The FBI has for quite some time now assessed that the origins of the pandemic are most likely a potential lab incident in Wuhan,” ani Wray sa panayam ng Fox News.

Ang komentong ito ay kasunod ng ulat kamakailan na sinasabing natuklasan ng
US Department of Energy ang leak mula sa isang Chinese laboratory na posibleng dahilan ng COVID-19 outbreak.

Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ibang ahensya sa ilalim ng American intelligence community na natural lamang na lumitaw ang naturang virus.

Samantala, inakusahan naman ni Wray ang pamahalaan ng China sa pagsubok nitong harangin ang imbestigasyon ng US sa sanhi ng pandemya.

“The Chinese government… has been doing its best to try to thwart and obfuscate the work here, the work that we’re doing, the work that our US government and close foreign partners are doing,” ani Wray.

“And that’s unfortunate for everybody.”

Pagalit namang itinanggi ng Chinese officials ang naturang paratang sabay-sabing posibleng kampanya ito laban sa Beijing.

Para sa scientific community, napakahalaga umano na matukoy ang pinagmulan ng pandemya upang mapaghandaan ang mga susunod pang insidente ng pagkalat ng virus. RNT/JGC