COVID positivity rate, bumabagal na – DOH

COVID positivity rate, bumabagal na – DOH

September 15, 2022 @ 4:59 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health ngayong Huwebes, Setyembre 15 na nakikita na ang pagbagal at patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Sa isang mensahe sa Viber sa mga mamamahayag, sinabi ng DOH na ang positivity rate o bilang ng mga taong nagpositibo sa virus ay tumaas sa 12.5% noong Setyembre 13, isang pagtaas ng 0.5 mula sa 12% noong nakaraang linggo.

Ang average ng kaso araw-araw sa bansa ay 2,201 hanggang nitong Setyembre 14.

“Nationally, we are seeing a slow continued decline in cases, with reported cases in the recent week being 7 percent lower than the previous, which recorded an average of 2,369 cases daily,” sabi ng DOH.

Nauna rito, napansin ng OCTA Research Group ang pagtaas ng positivity rate ng dalawang probinsya — Rizal at Pangasinan.

Ang positivity rate sa Rizal ay tumaas sa 17.4% noong Setyembre 10 mula sa 12% noong Setyembre 3.

Sa Pangasinan ay tumaas sa 10.9% noong Setyembre 12 mula sa 6.9% noong Setyembre 10 ang kanilang positivity rate.

Noong Setyembre 12, halos 72.8 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan. Sa nabanggit na bilang, nasa 6.8 milyon ang mga senior citizen.

Mahigit sa 18.6 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang booster dose at higit sa 2.5 milyon ang nakatanggap ng kanilang pangalawang booster shot. Jocelyn Tabangcura-Domenden