COVID positivity rate sa NCR patuloy sa pagtaas – OCTA

COVID positivity rate sa NCR patuloy sa pagtaas – OCTA

July 9, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), habang ang rate sa ilang probinsya ay nananatilung mas mabilis sa 10%, ayon sa OCTA Research Group.

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang NCR ay may positivity rate na 10.4% nitong Huwebes, mula sa nakaraang 8.3% noong Hulyo 2.

Ilang probinsya rin ang nakapagtala ng mas positivity rates na mas mataas sa 10%: Antique (18.9%), Batangas (10.5%), Capiz (17.8%), Cavite (16.2%), Iloilo (10.9%), Laguna (16.2%), Pampanga (16.1%), at Rizal (15.7%).

Tumutukoy ang positivity rate sa porsyento ng mga indibidwal na nagpo-positibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga taong sumailalim sa test. RNT/SA