COVID positivity rate sa 6 na lugar sa Luzon, tumaas

COVID positivity rate sa 6 na lugar sa Luzon, tumaas

September 19, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pagtaas sa positivity rate ng COVID-19 ang anim na lugar sa Luzon.

Ito ay ayon sa OCTA Research Group sa kanilang ulat ngayong Lunes, Setyembre 19.

Ayon sa OCTA, ang mga lugar na tumaas ang positivity rate mula Setyembre 10 hanggang 17 ay ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, Pangasinan at Rizal.

“Weekly positivity rate in provinces in Luzon. Increases were observed in NCR (13.3% to 15.6%), Bulacan, Cavite, Laguna, Pangasinan, Rizal. The positivity rates improved in the rest of the provinces. Zambales had low positivity rate,” ani OCTA Research fellow Dr. Guido David sa isang twitter post.

Sa Metro Manila, mula sa 13.3% ay naging 15.6% na ang positivity rate sa COVID-19.

Sa Bulacan naman ay naging 16.1% na mula sa 11.5%; 13.9% patungong 16.6% sa Cavite; 10.7% mula sa 9.8% para sa Laguna samantala 8% naman mula sa 6.9% sa Pangasinan.

Sa probinsya ng Rizal naman ay nakapagtala ng 18.&% positivity rate mula sa dating 17.4% noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito, nakakita naman ng pagbaba sa positivity rate ang ibang mga probinsya sa Luzon. RNT/JGC