COVID positivity rate sa bansa bumaba pa sa 6.6%

COVID positivity rate sa bansa bumaba pa sa 6.6%

January 6, 2023 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumulusok pa ang COVID-19 positivity rate sa bansa at bilang ng mga nahahawaan nito, iniulat ng Department of Health nitong Biyernes, Enero 6.

“We now are averaging 426 cases per day. So, ito po ay mas mababa by 28 percent kumpara doon sa nakaraang linggo,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasabay ng forum.

“Also, our positivity rate ‘pag tinignan natin, bumaba din po siya from 8.8 percent last week, ngayon po ay 6.6 percent,” pagpapatuloy niya.

Sa kabila nito, nananatiling mas mataas pa rin sa threshold na 5% ng World Health Organization ang positivity rate sa bansa.

Ayon kay Vergeire, bagama’t tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, wala namang kasiguruhan na palaging pababa na lamang ang direksyon nito.

Samantala, nananatiling nasa low risk naman ang healthcare utilization at hospital admissions sa bansa. RNT/JGC