COVID positivity rate sa NCR bahagyang tumaas – OCTA

COVID positivity rate sa NCR bahagyang tumaas – OCTA

January 30, 2023 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research nitong Lunes, Enero 30.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang positivity rate sa NCR ay bumaba sa 2.3% nitong Enero 28, makaraang bahagyang tumaas sa 2.4% noong Enero 27.

Sa kabila nito, mas mataas pa rin ito sa 2.0% na positivity rate noong Enero 26.

Ani David, ang nakaraang pagtaas sa positivity rate ay maaaring one time event lamang.

“For now, it looks like the spike is just a one off. Hopefully, the positivity rate continues to trend downward,” saad pa ni David.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sinuring indibidwal. RNT/JGC