COVID positivity rate sa NCR bahagyang tumaas

COVID positivity rate sa NCR bahagyang tumaas

February 20, 2023 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa 1.6% noong Pebrero 11 ay naging 1.7% nitong Sabado, Pebrero 18.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sinuring indibidwal.

Ayon sa OCTA research group, nakakita rin ng pagtaas sa positivity rate ng sakit sa mga sumusunod na lugar:

Cebu: mula 0.8% na naging 1.4%
Davao del Sur: mula 2.8% na naging 3.8%
Iloilo: mula 0.5% na naging 1.0%
Negros Occidental: 1.6% na naging 1.8%
Pangasinan: mula 0.8% sa 0.9%

Samantala, nakapagtala naman ng pagbaba sa positivity rate ng COVID-19 ang mga sumusunod na lugar:

Batangas: from 1.1% to 0.7%
Bulacan: from 0.8% to 0.7%
Cavite: from 1.6% to 1.4%
Laguna: from 1.9% to 1.1%
Pampanga: from 1.5% to 0.7%

“The positivity rates in NCR and other major provinces remained LOW at less than 5%,” ani OCTA Research fellow Dr. Guido David sa isang tweet.

Ang datos ng OCTA ay batay din sa datos naman na nakuha nila mula sa Department of Health. RNT/JGC