COVID positivity rate sa NCR bumaba pa – OCTA

COVID positivity rate sa NCR bumaba pa – OCTA

October 10, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba pa ang seven-day positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ito ang ibinahagi ng OCTA Research group nitong Lunes, Oktubre 10 kung saan mula 19.1% ay bumaba pa ito sa 17.9%.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang 17.9% na positivity rate nitong Oktubre 8 ay lubhang mababa sa 19.1% na naitala noong Oktubre 1.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa COVID testing.

Maliban dito, bumaba rin ng bahagya ang reproduction number ng sakit sa NCR mula sa 1.10 noong Setyembre 29 sa 0.99 nitong Oktubre 6.

Tumutukoy naman sa bilang ng mga taong nahahawaan ng COVID-19 ang reproduction rate.

Bumaba rin ang one-week average ng mga bagong COVID cases sa rehiyon mula sa 1,057 nitong Oktubre 2 sa 863 na lamang nitong Oktubre 9 o -18% growth rate sa loob ng isang linggo.

Nasa 5.99 per 100,000 population naman ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR na maituturing umanong mababa ayon kay David.

“We hope that cases in the NCR continue to decrease, but with the new sub variants coming in, a wall of immunity that is not solid, and the increasing numbers in other parts of the country, we might expect to see more ups and downs in new COVID cases towards the end of the year,” aniya. RNT/JGC