COVID positivity rate sa NCR bumaba pa sa 7.4%

COVID positivity rate sa NCR bumaba pa sa 7.4%

November 17, 2022 @ 11:07 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumaba pa sa 7.4% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ito ang inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Huwebes, Nobyembre 17 na senyales umanong maaaring nagpa-plateau na ang kaso ng sakit.

“The seven-day positivity rate for COVID in the NCR decreased slightly from 7.8% as of November 8, 2022 to 7.4% as of November 15. The slower rate of decrease indicates a plateauing of the trend,” ani David.

“While less than 5% positivity rate is still attainable if the downtrend continues, there is a possibility that the positivity rate will remain above this level,” dagdag pa niya.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga sinuring indibidwal.

Sa kabila nito, sinabi ni David na may posibilidad pa rin ng pagtaas sa kaso nito.

Kung bumaba ang positivity rate, tumaas naman umano ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila mula sa 0.83 nitong Nobyembre 6 sa 1.02 nitong Nobyembre 13.

Ang reproduction rate naman ay tumutukoy sa dami ng mga nahahawaan na indibidwal ng isang taong nagpositibo sa nasabing sakit.

Samantala, tumaas din ang weekly growth rate ng COVID mula -18% sa 11%.

“Note that this observed spike in cases is mainly due to lower testing volume due to the recent holiday. Hospital utilization remained very low and the NCR remains at low risk this time,” aniya. RNT/JGC