COVID positivity rate sa NCR bumaba pa

COVID positivity rate sa NCR bumaba pa

December 23, 2022 @ 9:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bumaba pa sa 13.1% mula sa 14.5% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa loob lamang ng isang linggo.

Ito ang iniulat ni OCTA Research fellow Guido David nitong Huwebes kung saan mula sa 14.5% na positivity rate noong Disyembre 13, bumaba na lamang ito sa 13.1% nitong Disyembre 20.

Katumbas ito ng 0.91 na reproduction number ng COVID-19.

“The 7-day average of new cases decreased from 447 to 404, a growth rate of -10 percent,” paliwanag ni David.

Matatandaan na nakapagtala ng 7,752 na kaso ng sakit mula Disyembre 12 hanggang Disyembre 18 o daily average ng 1,082 na mas mababa kumpara sa mga naitatala sa nagdaang mga linggo. RNT/JGC