COVID positivity rate sa NCR bumaba sa 14.5%

COVID positivity rate sa NCR bumaba sa 14.5%

December 16, 2022 @ 4:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bahagyang bumaba sa 14.3% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng OCTA research nitong Biyernes, Disyembre 16 kung saan mula sa 14.5% noong Disyembre 11 ay nasa 14.3% na lamang ito nitong Disyembre 14.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga nagpopositibo mula sa isinailalim sa COVID-19 testing.

“This could be a sign that infections in the NCR may be decreasing already. Numbers next week will confirm if the trends will hold. Stay safe everyone,” ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David.

Matatandaan na nitong Huwebes, Disyembre 15 ay iniulat ng Department of Health na nakapagtala ng 1,184 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ikalawang sunod na araw na mahigit 1,000 ang naitatalang kaso ng sakit. RNT/JGC