COVID positivity rate sa NCR bumaba sa 7.8%

COVID positivity rate sa NCR bumaba sa 7.8%

November 9, 2022 @ 3:32 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumaba na sa 7.8% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

Ito ang ibinahagi ng OCTA research group nitong Miyerkules, Nobyembre 9 kung saan mula sa 9.5% nitong Oktubre 31 ay bumaba na ito sa 7.8% nitong Lunes, Nobyembre 7.

Ang positivity rate ng COVID ay tumutukoy sa dami ng mga tao na nagpopositibo sa naturang sakit mula sa bilang ng mga sinuri dito.

Maliban dito, nakapagtala naman ng 1.54 per 100,000 population nitong Nobyembre 8 ng average daily attack rate (ADAR) ang Metro Manila at one week growth rate na -29%.

Samantala, nananatili namang mababa ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR sa 0.75 hanggang nitong Nobyembre 5.

“The current trends, if they continue, could lead to less than 5% positivity rate and about 100 new cases per day in the NCR by end of November,” sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David. RNT/JGC