COVID positivity rate sa NCR sumampa sa 13%

COVID positivity rate sa NCR sumampa sa 13%

July 15, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Umakyat sa 13% ang lingguhang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) habang nasa 10% naman ang national rate, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.

Karamihan sa mga lugar na nagpakita ng matinding pagtaas ng kaso kung saan ang NCR ay nagpapakita ng pinakamalaking pagtaas ngayon ng halos 750 kaso kada araw ayon sa DOH.

Nauna nang sinabi ng independent monitoring group na OCTA Research na ang positivity rate ng rehiyon ay nasa 10.9% noong Hulyo 9.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na ang NCR ay nanatiling low-risk classification.

Nagtala ang rehiyon ng average na daily attack rate (ADAR) na 4.87 sa kamakailang isa hanggang dalawang linggo, habang ang rate ng paggamit ng kama nito at rate ng paggamit ng ICU ay nasa 30.70% at 22.16%, ayon sa pagkakabanggit.

Katulad nito, ang bansa ay nananatiling nasa mababang panganib na may ADAR na 1.36. Ang bed utilization rate nito ay naitala sa 23.48% habang ang ICU utilization rate ay nasa 17.44%.

Ang rehiyon ay nakapagtala ng average daily attack rate (ADAR) na 4.87 sa nagdaang isa hanggang dalawang linggo, habang ang bed utilization rate at ICU utilization rate ay nanatili sa 30.70% at 22.16%, ayon sa pagkakabanggit.

Katulad nito, ang bansa ay nananatiling nasa low risk na may ADAR na 1.36. Ang bed utilization rate nito ay naitala sa 23.48% habang ang ICU utilization rate ay nasa 17.44%.

Ayon sa DOH, 651 o 8.53% ng kabuuang COVID-19 admission ay malala at kritikal na kaso.

Samantala, ang Cordillera Administrative Region, the Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao ay may positivity rate na mas mataas o katumbas sa 5%.

Sa kasalukuyan,mahigit sa 71.2 milyon indibidwal na ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 habang nasa 15.4 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Jocelyn Tabangcura-Domenden