COVID positivity rate sa NCR, sumirit sa halos 6% – OCTA

COVID positivity rate sa NCR, sumirit sa halos 6% – OCTA

June 27, 2022 @ 10:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas sa halos 6% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), ayon sa independent monitoring group na OCTA Research ngayong Lunes.

Sinabi ni OCTA fellow Guido DavidĀ  na ang positivity rate ng rehiyon ay tumaas sa 5.9% noong Hunyo 25 mula sa positivity rate na 3.9% noong Hunyo 18. Ang positivity rate ng NCR ay naitala sa 5.6% noong Hunyo 22.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.

“WHO recommends testing positivity rate less than 5%,”Ā diin ni David sa isang tweet.

Ipinakita rin ng datos na ang positivity rate sa Rizal ay sumirit sa 11.9% mula sa 6.3%.

Samantala, ang Laguna ay tumaas sa 7.5% mula sa 3.1%, Cavite sa 6% mula sa 3.6%, at South Cotabato sa 7.4% mula sa 6.3%

Ang Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Cebu, Iloilo, at Pampanga ay nagtala rin ng pagtaas sa kanilang COVID-19 positivity rate, ayon sa OCTA. RNT