COVID positivity rate sa NCR tumaas pa sa 19% – OCTA

COVID positivity rate sa NCR tumaas pa sa 19% – OCTA

October 5, 2022 @ 1:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tumaas pa sa 19% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa dating 18.7%.

Ito ang inihayag ng OCTA Research Group nitong Miyerkules, Oktubre 5 kung saan ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, naitala sa Metro Manila ang positivity rate na 19% nitong Oktubre 3 mula sa 18.7% nitong Setyembre 26.

Sa kabila nito, mas mababa naman ang naturang porsyento sa naitalang positivity rate noong Oktubre 2 na 19.1%.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga tao na nagpopositibo sa sakit mula sa mga indibidwal na sumailalim sa COVID testing.

Nananatiling NCR ang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nagdaan dalawang linggo o 13,559 kaso ayon sa Department of Health.

Nitong Martes, Oktubre 2 ay nakapagtala ng 1,347 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. RNT/JGC