COVID positivity rate sa NCR, tumaas sa 3%

COVID positivity rate sa NCR, tumaas sa 3%

March 17, 2023 @ 2:05 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Umakyat sa 3% ang seven-day COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, iniulat ng OCTA Research Group nitong Biyernes, Marso 17.

Ayon sa OCTA, tumaas mula 2.1% patungong 3% ang positivity rate ng COVID-19 sa pagitan ng Marso 8 at Marso 15.

“At this time, I expect it to increase further but not to the levels seen in 2022,” sinabi ni Octa Research fellow Guido David.

Sa kabila ng pagtaas, nananatiling mababa sa five percent benchmark ng World Health Organization (WHO) ang kasalukuyang positivity rate sa Metro Manila.

Umaasa naman ang WHO na alisin na ang deklarasyon ng global health emergency sa COVID-19 ngayong taon, o tatlong taon makalipas na magsimula ang pandemya. RNT/JGC