COVID positivity rate sa Pinas 3.8% na lang

COVID positivity rate sa Pinas 3.8% na lang

March 6, 2022 @ 12:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba pa sa 3.8 percent ang positivity rate sa bansa matapos na makapagtala na lamang ng 941 bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado.

Ito na ang pinakamababang positivity rate na naitala simula noong December 26, 2021.

Samantala, umakyat na sa 3,666,678 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa pero 1.3 percent na lamang nito o 49,374 ang nananatiling aktibo.

Sa nasabing bilang, 44,586 ang mild cases; 2,736 ang moderate cases; 1,344 ang severe, 416 ang asymptomatic at 292 ang kritikal ang kondisyon.

Nananatili naman sa 25 percent ang intensive care unit (ICU) bed utilization sa Metro Manila at buong bansa.

Samantala, 1,784 pa ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling para sa kabuuang 3,560 425.

Umabot naman sa 56,879 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa virus matapos na madagdagan ng 109. RNT