COVID protocols sa Pasko pareho pa rin – Vergeire

COVID protocols sa Pasko pareho pa rin – Vergeire

November 11, 2022 @ 7:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pareho pa rin ang mga protocols na ipapatupad sa Christmas season, ayon sa Department of Health.

Paalala ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ngayon na patuloy na pinagaan ang mga paghihigpit tulad nang bolunatryong pagsusuot ng face mask indoors at outdoors ay dapat batid ng lahat ang kanilang risk level kung kailan hindi dapat at dapat naka-mask.

Kailangan din aniya lalo ngayong paparating ang Pasko na maraming parties, reunions at gatherings na pupuntahan na ang ganitong pagtitipon ay “high risk” sa hawaan sa COVID-19.

“Dito kapag high risk na sinasabi natin, nandun yung mas mataas na tyansa na ikaw ay magkakaroon ng sakit kung saka-sakali,” saad ni Vergeire sa press briefing ngayong Biyernes, Nobyembre 11.

“Paalala po natin sa darating na Kapaskuhan ,wala po tayong mga restrictions na — base po dun sa alert level system na —wherein halos lahat ng local governments natin ngayon halos lahat nasa alert level 1 na ,so wala po tayong restrictions as to age o maybe the capacity,” dagdag pa niya.

Umaasa ang opisyal na magkaroon ang publiko ng “informed decision” sa kanilang mga sarili at kailangan alam ang pag-iingat na dapat gawin upang maiwasang mahawa sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden