COVID referral center nakatatanggap ng higit 1K tawag kada araw

COVID referral center nakatatanggap ng higit 1K tawag kada araw

January 13, 2022 @ 3:35 PM 7 months ago


Manila, Philippines ā€” Nakatatanggap ng nasa 1,120 tawag ang COVID-19 referral center, ayon sa Department of Health.

Naunang natanggap ng One Hospital Command (OHC) ang nasa 98hanggang 112 tawag kada araw sa unang linggo ng Disyembre noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Health Undersecretary and treatment czar Leopoldo Vega na ito ay a record-high number ng tawag buhat nagsimula ang pandemya.

ā€œDahil sa mga bagong bilang ngayon, mataas masyado,Ā  talagang dumami ā€˜yung number of calls.ā€

Punto pa ni Vega, nasa 60% ng natatanggap na tawag ng OHC ay inquiry sa quarantine at isolation facility o kaya naman ay nagpapatulong sa home isolation.

Habang nasa 15% naman na lamang ang humihingi ng ICU service referrals. RNT/FGDC