COVID reproduction rate ng NCR bumaba sa 4.69 – OCTA

COVID reproduction rate ng NCR bumaba sa 4.69 – OCTA

January 12, 2022 @ 2:35 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Bumaba na sa 4.69 ang coronavirus reproduction rate sa National Capital Region, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Aniya, ang pagbaba ng reproduction rate ay nangangahulugang bumabagal ang trend ng kaso ng COVID.

“Reproduction number in the NCR decreased to 4.69. The reproduction number was at 6.16 on Jan. 2. This is a good sign. Until then, let us stay safe everyone and follow best health practices,” ani David sa tweet.

Hindi naman tiyak ang eksperto kung naabot na ng mga kaso ng COVID ang peak.

“In past surges, a peak is always preceded by a decreasing reproduction number. Are we close to the peak in NCR? Hopefully. Because the trends being observed are based on limited data, there is still uncertainty when the peak might happen.”

Sa kabuuang datos, umabot na sa 3,026,473 ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa. RNT/FGDC