COVID response strategy ‘di babaguhin sa pagpasok ng Omicron sa Pinas- DOH chief

COVID response strategy ‘di babaguhin sa pagpasok ng Omicron sa Pinas- DOH chief

December 16, 2021 @ 2:50 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sa pagkakaulat ng unang dalawang kaso ng Omicron coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, sinabi ng top health official ng bansa nitong Huwebes na wala umanong pagbabago sa COVID-19 response strategy sa ngayon, habang binabantayan pa ng mga awtoridad ang mga development sa naturang variant.

Ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque ang kanyang kumpiyansa sa pagsisikap ng pamahalaan upang makontrol ang sitwasyon.

“Titingnan pa rin natin. We are guided by our metrics,” pahayag ni Duque.

“We have tackled Alpha, we have tackled Beta, we have tackled Gamma and Delta. The same minimum public health standards,” dagdag niya. “Kaya rin natin ang Omicron basta sumunod lang at magpabakuna.”

Kumpiyansa rin si vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ginagawa ng mga awtoridad ang makakaya upang pagdami ng Omicron cases. Idinagdag din niya na nabigyan na ng instruksyon ang local governments ukol sa mga paghahanda na dapat gawin sakaling magkaroon na naman ng panibagong surge.

Sinabi ni Galvez sa CNN Philippines na ipatutupad pa rin ang parehong alituntunin sa mga buyahero, subalit tinitingnan nila ang pagpapahaba sa quarabtine- na tatalakayin pa sa Inter-Agency Task Force’s meeting sa Huwebes.

Kamakailan lamang ay kinumpirma ng Department of Health ang dalawang kaso ng Omicron variant mula sa mga biyahero galing sa Japan at Nigeria.

Ayon sa ahensya, kasalukuyang naka-isolate ang mga pasyente. RNT/SA