COVID restrictions malaking paktor sa pagbaba ng dengue cases sa mundo

COVID restrictions malaking paktor sa pagbaba ng dengue cases sa mundo

March 3, 2022 @ 4:25 PM 4 months ago


NAIROBI – Ang mga ikinasang restriksyon sa paggalaw ng publiko sa pagkalat ng COVID-19 ay maaating maiugnay sa matinding pagbulusok ng mga kaso ng dengue fever na dala ng lamok sa 2020.

Ang natuklasan na ito ay maaaring makapagbigay ng bagong mga paraan kung paano pa makokontrol ang dengue, base sa isang pag-aaral.

Ang nasabing pananaliksik ay inilathala sa Lancet Infectious Diseases journal akung saan natuklasan dito na halos 750,000 ang nabawas na dengue cases kay sa inaasahan na mangyari sa buong mundo noong 2020.

Ang mga resulta ng pag-aaral ay nakakagulat, ani senior author Oliver Brady, dahil nagpapakita sila ng makabuluhang pagbaba sa mga kaso ng dengue kapag ang mga tao ay hindi malayang umalis sa kanilang mga tahanan upang bisitahin ang ibang mga lugar, tulad ng mga paaralan.

Ang dengue ay hindi naililipat ng tao sa tao, ngunit sa pamamagitan lamang ng lamok na Aedes, na kumakagat sa araw. Gayunpaman, naisip ng mga siyentipiko dati na ang karamihan sa mga kaso ay nangyayari sa loob at paligid ng mga tahanan, kaysa sa ibang lugar.

“It was a strange trend that we didn’t expect – a surprising result that opens the doors to thinking about conducting more detailed trials of interventions,” sabi ni Brady, associate professor sa London School of Hygiene and Tropical Medicine.

Dahil dito, maaari nang pag-aralan ang mga bagong diskarte sa pagkontrol sa sakit, tulad na lang ng pag-spray ng insecticide sa mga silid-aralan at pagsubaybay sa nasapul ng dengue upang maunawaan kung saan ito galing, ani Brady.

Ang dengue ay isang impeksyon sa virus na nagdudulot ng lagnat at iba pang mga sintomas tulad ng trangkaso, kahit na ang mga malubhang kaso ay maaaring may kasamang panloob na pagdurugo at nagbabanta sa buhay.

Sinuri ng pag-aaral ang data mula sa 23 bansa sa Latin America at Southeast Asia kung saan ang dengue ay endemic.

Si Philip McCall, isang propesor sa Liverpool School of Tropical Medicine na hindi kasama sa pag-aaral, ay nagsabi na ang mga natuklasan ay mahalaga at nangangailangan ng karagdagang pagsisiyasat, “dahil ang dengue ay ang sakit ng ika-21 siglo” habang ito ay kumakalat sa hilaga bilang resulta ng climate change.

Kinikilala ng mga may-akda ng pag-aaral ang ilan sa mga limitasyon ng pag-aaral, kabilang na ang pandemya ay maaaring nakagambala sa pag-uulat ng mga kaso ng dengue, at nabanggit na ang mga kaso ay tumaas sa ilang mga lokasyon. RNT