COVID restrictions sa Chinese nat’ls kinalos ng France

COVID restrictions sa Chinese nat’ls kinalos ng France

February 17, 2023 @ 6:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinalos na ng France ang kahit anomang COVID restrictions na ipinataw sa mga manlalakbay mula sa China, ayon sa anunsyo ng embahada ng France sa Beijing.

Mula kasi noong Enero, ang mga bisitang may edad na 11 pataas na naglalakbay mula sa China patungong France ay kailangang magpakita ng negatibong pagsusuri na kinuha 48 oras bago ang flight para makasakay sa eroplano.

Ang mga paghihigpit ay ikinasa habang ang China ay nakaranas ng panibagong COVID-19 wave infections matapos alisin ang zero-COVID rule noong Disyembre.

“Travelers from China to France are no longer required to present the result of a negative RT-PCR test within 48 hours or fill a health declaration form,” ayon sa French embassy sa Beijing. “Random screenings on arrival are also abolished,” dagdag pa nito. RNT