COVID sa buong mundo 186M na

COVID sa buong mundo 186M na

July 13, 2021 @ 7:42 AM 1 year ago


PARIS – Pumalo na sa 186,740,300 ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo, base sa datos ng AFP.

Sa bilang na ito, 4,035,506 na ang nasawi sa sakit.

Nitong Linggo, nagtala ng 6,605 new deaths at 362,178 new cases sa buong mundo.

Pinakamaraming nasawi sa sakit sa Indonesia na may 1,007 na sinundan ng India na may 724 at Russia na may 710.

Pinakaapektado pa rin ng pandemya ang US na may 33,853,971 kaso kung saan 607,156 na ang namatay sa COVID-19.

Sinundan ito ng Brazil na may 533,488 deaths mula 19,089,940 cases; India na may 408,764 deaths mula 30,874,376 cases; Mexico na may 234,969 deaths mula 2,590,500 cases; at Peru na may 194,387 deaths from 2,080,777 cases.

Kumpara naman sa populasyon, nanguna ang Peru na may 590 nasawi sa 100,000 inhabitants na sinundan ng Hungary na may 311; Bosnia-Herzegovina,295; Czech Republic,283; at North Macedonia, 263.

Sa Latin America and the Caribbean mayroong 1,311,233 deaths mula sa 38,770,784 cases; Europe 1,180,611 deaths mula sa 55,498,504 infections, at sa United States at Canada, 633,591 deaths mula sa 35,274,557 cases.

Habang sa Asia naiulat ang 603,896 deaths mula 41,534,263 cases; Middle East 153,232 deaths mula 9,648,126 cases; Africa 151,772 deaths mula 5,952,669 cases; at Oceania 1,171 deaths mula 61,399 cases.

Nakuha ang mga datos mula sa mga ulat ng health authorities sa bawat bansa. Mula sa ulat ng Agence France-Presse