Covid sa China: Fast and furious – Beijing exec

Covid sa China: Fast and furious – Beijing exec

April 26, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


CHINA – Tinatagurian ng tagapagsalita ng Lungsod ng Beijing sa bansang ito ang pananalasa ng coronavirus disease-19, partikular ang Omicron variant, na “fast and furious.”

Ito’y makaraang mabilis na kumalat ang nasabing Covid variant sa lungsod mula sa katabi nitong Shanghai na ngayo’y inaatake ng husto ng pandemya nang may kamatayan.

Hinango ang salitang “fast and furious” mula sa pelikulang nagpapakita ng habulan ng mga sports car at labanan ng mga sakay nito.

Dahil na rin sa pangyayari, kasalukuyang isinasailalim sa mabilisang Covid testing ang nasa 21.5 milyong katao sa lungsod, katulad ng 3.7 milyong kahapon na kalahati ang agad na nagnegatibo.

Sa ngayon, mayroon nang 80 na napatunayang nagpositibo simula nitong Biyernes ngunit mula umano sa dati nang mga lugar na may nagkakasakit.

Magpapatuloy umano ang Covid testing upang lubos na masuri ang lahat ng mga residente.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 16,000 ang nagpopositibo sa Shanghai araw-araw na ikinamatay na ng nasa 52.

May ilan naring Pilipino ang natatagpuang positibo ngunit wala pang naiuulat na nasawi sa mga ito.

Pareho na ang Beijing at Shanghai na isinasailalim sa lockdown sa maraming lugar.

Tinitiyak naman ng pamahalaan na may sapat na suplay ng mga batayang pangangailangan at sinabihan ang mga mamamayan na huwag “mag-panic buying.” RNT