COVID sa Pinas pwede nang iklasipikang ‘controlled’ – NTF adviser

COVID sa Pinas pwede nang iklasipikang ‘controlled’ – NTF adviser

November 25, 2021 @ 12:15 PM 3 days ago


Manila, Philippines – Iginiit ng National Task Force Against COVID-19 na maaari nang iklasipika bilang ‘controlled’ ang COVID-19 situation ng Pilipinas dahil sa patuloy na bumababang positivity rate.

Sa briefing, sinabi ni Dr. Ted Herbosa na ang positivity rate o nagpopositibo sa COVID sa Pilipinas ay nasa 2.8% na lamang.

“I think we can be labeled as controlled kasi walang masyadong new cases sa COVID.”

Paliwanag pa ng Department of Health, ang positivity rate ay mas mababa na sa 5% sa loob ng magkakasunod na 13 araw.

Puwede pa rin siyang mag-resurgence dahil nandoon pa rin sa test positivity rate na above zero. Pag nag-zero iyaniyan ang eliminated,” punto pa ni Herbosa.  RNT/FGDC