COVID sa Valenzuela umaariba; 25 tumba sa pandemya sa CAMANAVA

COVID sa Valenzuela umaariba; 25 tumba sa pandemya sa CAMANAVA

January 23, 2022 @ 2:17 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dalawampu’t lima ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 batay sa pinakahuling ulat ng mga health offices ng mga nasabing lungsod.

Umakyat sa 878 ang COVID death toll sa Valenzuela City nitong Enero 22 mula sa 865 noong Enero 20 o 13 casualties sa loob ng dalawang araw, at bagama’t bumaba ang active cases sa lungsod sa 2,036 mula sa dating 2,068 ay milya-milya pa rin ang layo nito sa mga katabing lungsod.

Pumalo na sa 42, 546 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 39, 632 na ang namatay.

Sumipa naman sa 1,662 ang total COVID deaths sa Caloocan nito ring Enero 22 mula sa 1,654 noong Enero 20 o karagdagang walong fatalities, habang umakyat sa 332 ang active cases mula sa dating 320.

Sumampa na sa 68, 174 ang total confirmed cases sa lungsod, at dito ay 66, 180 na ang gumaling.

Tatlo naman ang natodas sa COVID sa Navotas nitong Enero 21 at hangang 8 pm ng nasabing petsa ay 705 ang active cases sa lungsod matapos na 364 ang gumaling at 48 naman ang mahawaan.

Tumuntong na sa 20,784 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 19,469 na ang gumaling at 610 na ang namamatay.

Isa namang COVID patient ang namatay sa Barangay Tugatog, Malabon, habang 107 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod nitong Enero 22 mula sa Barangay Baritan (5), Catmon (22), Longos (3), Maysilo (8), Muzon (2), Niugan (3), Panghulo (28), San Agustin (1), Tinajeros (5), at Tugatog (30). Sa kabuuan ay 24,698 ang positive cases sa siyudad, 398 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 150 naman ang gumaling mula sa Barangay Baritan (25), Catmon (11), Dampalit (20), Flores (4), Maysilo (21), Muzon (4), Niugan (1), Panghulo (17), San Agustin (6), Santulan (5), Tañong (5), at Tugatog (31). Sa kabuuan ay 23,610 ang recovered patients ng siyudad. Isa naman ang muling nagpositibo sa COVID-19 sa Barangay Bayan-bayanan. Merly Iral