COVID sirit sa NCR ibinabala sa Hulyo

COVID sirit sa NCR ibinabala sa Hulyo

June 22, 2022 @ 7:41 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ibinabala ng OCTA Research ang pagsirit ng COVID-19 cases sa National Capital Region sa una o ikalawang linggo ng Hulyo.

“Tumataas yung bilang ng kaso, hindi pa natin nakikita yung pagbaba niyan anytime soon. Baka yung peak niyan it could happen sometime mga first or second week of July,” ani OCTA Research fellow Guido David sa isang public briefing. “Kaya para matulungan natin na hindi masyadong tumaas yung kaso ay yung pagi-ingat nga natin.”

Sa isang post sa social media, binanggit ng OCTA fellow na ang pitong araw na daily average rate ng COVID-19 cases sa NCR ay tumaas mula 131 hanggang 225 mula Hunyo 14 hanggang 20.

Samantala, tumaas din ang growt rate ng COVID sa NCR ng 2% habang ang reproduction rate ay sumipa na sa 2.05.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring mahawaan ng kaso ng COVID-19.

Dagdag pa, ang positivity rate ng NCR, o porsyento ng mga na-test na tao na may positibong resulta, ay nasa 4%.

Ngunit sa kabila ng tumataas na bilang ng mga impeksyon, ipinunto ni David na ang occupancy ng ospital sa NCR ay nananatiling mababa sa 2%.

“COVID hospital occupancy in NCR remained LOW at 22%. Forecasts show hospital bed occupancy will remain manageable and no escalation of alert levels at this time,” aniya sa isang post sa Twitter. RNT