COVID situation sa Pinas, posisyon sa face mask mandate inilatag ng DOH

COVID situation sa Pinas, posisyon sa face mask mandate inilatag ng DOH

September 9, 2022 @ 5:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Posible umanong umabot sa 1,259 hanggang 5,375 ang daily case ng COVID-19 simula sa Oktubre ngayong taon base sa projection sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay base sa latest projection kung magtutuloy-tuloy ang booster, slow uptake, pagbabakuna sa nakatatanda at wala nang bagong variant na lalabas gayundin kung ang mobility ay nanatiling nasa antas nito.

Pero binigyag-diin ni health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ito lamang ang ‘projections’ at ito ay base sa scientific assumptions.

Kung hindi aniya matutuloy ang mga scientific assumptions na ito tulad ng pagtaas ng booster uptake—kung ang mga kababayan ay mas lalong nag-ingat at sumunod sa mga protocols para sa kaligtasan, sinabi ni Vergeire na ang nasabing projections ay hindi mangyayari at sa halip ay puwede nang magtuloy-tuloy na bumaba ang mga kaso sa ating bansa.

Samantala, nananatiling nasa low risk ang health care utilization (HCU) sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

“Less than 30 % both for the ward utilization and ICU (intensive care unit) utilization,” ani Vergeire.

Pero sinabi ni Vergeire na may nakikitang bahagyang pagtaas sa BARMM area para sa ICU utilization.

“Tinignan natin dahil mayroon silang labing-isa na severe at critical na naka-admit sa kanilang dalawampung ospital—so ‘pag tinignan—dalawanpung beds no sa kanilang ospital,” sabi ng OIC ng health department.

Kaugnay nito, inihayag naman ni Vergeire na hindi kailangang gumaya sa ibang bansa hinggil sa pag-alis sa mask mandate.

Pero giit ni Vergeire, importante pa rin ang mga karanasan ng  ibang bansa para makapagbigay ng mga rekomendasyon o ‘di kaya ay para makita ang nangyayari sa kanilang bansa at kung paano rin ito gawin sa Pilipinas.

“We can not also remain naman to be –doing so restrictive , yung very restrictive  implementation while  the other countries  is not doing anymore bvase on their  experience also,” sabi ni Vergeire.

Aniya, ito ang mga importante tuwing may nangyayaring pandemya: ang pagbabahagi  ng mga karanasan sa pagitan ng mga bansa ngunit hindi aniya kinakailangan  na gumaya.

Ang reaksyon  ni Vergeire ay tugon sa  sinabi ni  Dr. Rontgene Salonte, pinuno ng Adult Infectious Disease and Tropical Medicine na hindi dapat sumunod lagi ang Pilipinas sa mga protocols sa ibang bansa pagdating sa pagsusuot ng face mask.

Paliwanag ni Vergeire, ang Asian countries na nag-lift ng kanilang mask mandate outdoors ay hindi naman sabay-sabay kundi nagkaroon din ng timing sa kanilang  mga sitwasyon at hindi rin pare-pareho ang kanilang pagpapatupad.

Ilan lamang sa Asian countries na nagkalos ng kanilang mask mandate ang Thailand at Singapore. Jocelyn Tabangcura-Domenden