COVID surge pagtapos ng Holy Week, election nagbabadya – WHO

COVID surge pagtapos ng Holy Week, election nagbabadya – WHO

April 8, 2022 @ 6:45 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala na ang World Health Organization (WHO) ukol sa nagbabadyang COVID-19 surge sa Pilipinas pagkatapos ng Mahal na Araw, at ng eleksyon.

“From April to May 2022, Filipinos will observe Ramadan and Holy Week and engage in election-related activities,” ani acting WHO representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav sa isang pahayag. “With the unsafe gatherings and social mixing expected in the next two months, a surge in COVID-19 cases is quite likely,” dagdag pa niya.

Dahil dito, hinikayat ni Yadav ang mga Pinoy na magsuot ng face mask at magpa-booster shot na para mapaghandaan ang posibleng pagtaas ng COVID-19 cases.

Inirekomenda rin ng WHO sa gobyerno na pagtuunan ng pansin ang mga prayoridad na grupo na hindi pa nababakunahan, at ang posibleng pagsasagawa na ng house-to-house vaccination.

Dagdag pa ni Yadav, suhestyon din ng WHO na magsagawa ng community-based inoculation drives para mabawasan ang “overreliance on mega-sites.”

Sa ngayon, aabot na sa 67 milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, ayon naman sa datos ng gobyerno. RNT