COVID surge sa holiday season ‘di na mangyayari-eksperto

COVID surge sa holiday season ‘di na mangyayari-eksperto

November 29, 2022 @ 7:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naniniwala ang isang infectious disease expert na hindi na magkakaroon ng panibagong pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong holiday season kahit pa nadiskubre ang presensya ng Omicron subvariant BQ.1

Giit ni Dr. Edsel Salvana, ang Omicron subvariant BA.2 na pumasok sa bansa noong Enero, ay mas dominanteng variant kaysa BA.1.

“If ever tumaas man dahil siyempre nakikihalubilo ang mga tao during Christmas at mas lumalabas, I don’t think it will be as dramatic as the number of cases na nakita natin last January, after Christmas… and because mataas ang antas ng pagbabakuna ay hindi po mapupuno iyong ating ospital,” ani Salvana.

Wala pa namang ebidensya na mas malala ang BQ.1

Ayon kay Salvana, ang BQ.1 na nauugnay sa BA.5 na siyang nangingibabaw na subvariant sa mundo sa ngayon, ay may mga karagdagang mutasyon na maaaring magpapataas ng immune escape laban sa mga impeksyon mula sa mga bakuna ngunit walang ebidensya na ito ay mas malala.

Ang mahalaga, sinabi ni Salvana, ay ang bansa ay patungo na ngayon sa endemicity, at ang kailangang subaybayan ngayon ay ang kapasidad sa healthcare utilization rate na nananatiling mababa.

Kung sakaling tumaas ang kaso ng Covid-19, sinabi ni Salvana na hindi ito tataas sa 5,000. Muli niyang iginiit na ang karamihan sa mga kasong ito ay magiging banayad at hindi mangangailangan ng ospital. RNT