COVID surge sa mga bata, wala pa kaya ‘di pa prayoridad – DOH

COVID surge sa mga bata, wala pa kaya ‘di pa prayoridad – DOH

June 25, 2021 @ 2:18 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Wala pang naitatalang pagtaas ng kaso sa “younger population” o sa mga kabataan kaya hindi pa sila kasama sa prayoridad  sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

Sa Kapihan session ng Department of Health, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases specialist at miyembro ng vaccine expert panel na wala pang ‘surge’ sa nasabing populasyon.

Gayunman, sinabi ni Solante na ang mga 12 hanggang 15 anyos sa ating bansa ay plano naman ng gobyerno na mabakunahan upang magkaroon din ng dagdag proteksyon laban sa sakit.

Sa ngayon ayon kay Solante, ang mga younger population ay hindi pa kasama sa bakunahan dahil na rin sa limitadong supply ng mga  COVID-19 vaccines.

Dagdag pa ni Solante, ang mga younger population ay bawal pang lumabas   ng bahay kaya nanatili lamang sila sa kani-kanilang tahanan.

Samantala, nanawagan naman si Dr. Isagani Padolina, miyembro rin ng vaccine expert panel sa mga senior citizen na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ang mga hamon kasi aniya sa kasalukuyan ay ang vaccine supply maging ang distribusyon, at isang epekto nito ay mababa ang vaccination rate sa A2 category o mga nakatatanda. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •