COVID surge sa pagpasok ng Omicron BA.4, nagbabadya!

COVID surge sa pagpasok ng Omicron BA.4, nagbabadya!

May 23, 2022 @ 10:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines-  Ibinabala ng eksperto ang posibleng pagsirit ng COVID-19 cases at pagbigay ng health system sa bansa bunsod ng pagpasok ng mga bagong subvariant ng Omicron.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 na si Dr. Ted Herbosa, ang subvariant ay maaaring makaapekto sa mga indibidwal na may comorbidities.

Sa kabila nito, nilinaw ni Herbosa na ang mga bagong subvariant ng Omicron ay posibleng hindi namana nakamamatay tulad ng sa iba.

“Dahil mabilis siyang kumalat, siyempre ang puwedeng mapuno ‘yung ating mga ospital, kaya nakabantay kami,” pagsisiguro naman ni Herbosa.

“Although hindi siya nakakamatay kagaya nung Delta, hindi siya deadly, pero napaka-transmissible siya, may tatamaan din na mahina—yung lolo o lola, o ‘yung may sakit na diabetes,” aniya pa.

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na ang isang Pinoy na lumipad mula sa Middle East noong unang bahagi ng buwan ay natagpuang nahawaan ng subvariant. Siya ay asymptomatic.

Isinasaalang-alang ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDC) ang Omicron BA.4 bilang isang variant of concern, na nagpapahiwatig na maaari itong kumalat nang mas mabilis o magdulot ng mas malala na sakit.

Para naman kay OCTA Research fellow Guido David ay nagbabala na ang subvariant ay maaaring magdulot ng panibagong surge.

“‘Yung concern natin, baka mag-cause siya siyempre ng surge o pagdami ng bilang ng kaso,” aniya.

“Mas nakakahawa siya, pero dahil meron pa rin tayong wall of immunity kahit papaano, mas mahihirapan siyang kumalat. Ganon ‘yung nakita natin sa South Africa na ‘yung reproduction number niya, umabot lang ng 2 pero original Omicron, umabot ng 4 ang reproduction number,” giit pa niya. RNT