COVID surge sa Pinas na mala-Indonesia posible; curfew, ibalik – OCTA

COVID surge sa Pinas na mala-Indonesia posible; curfew, ibalik – OCTA

July 23, 2021 @ 12:31 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Maaring maranasan ng Pilipinas ang nangyaring COVID-19 surge sa Indonesia, ayon sa babala ni OCTA Research fellow Professor Guido David, Biyernes.

Ani David, ito ay dahil magkaparehas lang ng antas ng baksinasyon ang Pilipinas at Indonesia.

Ang babala ni Davi ay matapos na sumipa pa sa 1.21 mula sa 1.15 ang reproduction number sa National Capital Region, ayon sa OCTA.

“Puwede tayong matulad do’n [sa Indonesia]. Si Prof. Ranjit na ‘ata nagsabi ng word pero I mean hindi ‘yun out of the realm of possibility dahil unang-una kahit may vaccinated na, may konting breakthrough infections pa rin,” ani David sa interbyus a dzBB.

“Medyo similar situation natin sa Indonesia in terms of level of vaccination at ‘yung economic situation natin medyo similar kaya hindi nalalayo na mangyari ‘yon pero ‘yan ang gusto natin iwasan,” dagdag pa niya.

Dahil dito, ipinanukala ni David na mas higpitan pa ang restriksyon tulad na lang ng muling pagpapatupad ng mahabang curfew, paglilimita sa kapasidad ng mga establisimyento tulad ng indoor dining, at pagbabawal sa paglabas ng mga bata. RNT


  •  
  •  
  •