COVID test ‘di sasagutin ng gov’t hangga’t walang FDA recommendation

COVID test ‘di sasagutin ng gov’t hangga’t walang FDA recommendation

January 5, 2022 @ 5:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hindi masigasig ang Malakanyang na sagutin ang halaga ng antigen coronavirus disease (COVID-19) test, kabilang na iyong mga gagamitin sa mga bahay, habang nakabinbin ang rekomendasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon nang tanungin kung opsyon ba na sagutin ng gobyerno ang antigen COVID-19 test lalo pa’t sumirit sa 26 porsyento ang COVID-19 positivity rate sa bansa “as of January 4” mula sa mas mababa pa sa 1 porsyento noong kalagitnaan ng Disyembre ng nakaraang taon.

“We’ll also need the FDA to chime in on that, as far as using home test kits. What home test kits that the FDA is going to allow?” ayon kay Nograles.

“This [government subsidizing antigen test] is something consistently being discussed especially in light of this Omicron [variant]. Health experts must chime in since we have to make sure the tests we use don’t give false negatives or positives. It has to pass through a rigorous process,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Ani Nograles, iyong mga may COVID-19 symptoms ay kailangang i-test gamit ang RT-PCR test, at iyong mga nangangailangan naman nito ay maaaring humingi ng tulong mula sa kani-kanilang local government units para sa free assistance.

Sa ilalim ng umiiral na polisiya, tanging iyong may mga sintomas lamang at ang kanilang close contacts ang “subject” sa RT-PCR test na babayaran ng gobyerno.

Nauna nang sinabi ni testing czar Vince Dizon na mananatili ang bansa sa polisiya nito na risk-based COVID-19 testing dahil ang limitadong government resources ay kailangang gamitin ng mahusay.

“RT-PCR test is still the gold standard, and the one used in genome sequencing …for detention of specific variant,” ayon kay Nograles.

Ang Kalakhang Maynila, Bulacan, Cavite at Rizal ay nasda ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15. Kris Jose