COVID test ikasa sa papasok na manlalakbay mula Tsina-OCTA

COVID test ikasa sa papasok na manlalakbay mula Tsina-OCTA

January 6, 2023 @ 9:25 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Iminungkahi ng OCTA Research group sa gobyerno na dapat gawing rekisito ng gobyerno na sumailalim sa pre-departure COVID-19 test para sa manlalakbay mula China.

Ginawa ni OCTA Research fellow Guido David mungkahi matapos na ipinag-utos ng United States at Japan ang  pre-departure test sa gitna ng pagdami ng mga impeksyon.

Ayon kay David, mataas ang immune escape ng mga dubvariants  kaya kahit bakunado ay maari pa ring magdala ng virus kahit walang sintomas.

Sinabi ni David na ang pagsirit ng COVID-19 case sa China ay iba sa ibang mga bansa dahil sa limitadong impormasyon sa sitwasyon ng COVID-19 doon.

“We don’t know if there will be a new variant that will come from China. When we travel to a country like China, they will require tests from the traveler. So, it’s not unfair to ask for required test kasi other countries required kahit na vaccinated,”sabi ni David .

Pero ayon naman kay infectious  disease expert Rontgene Solante, hindi pa ito kailangan.

Ayon kay Solante, sapat pa ang mga protocols na ipinatupad sa bansa at kailangan lang makita at malalaman yung vaccination status ng mga bisita. Jocelyn Tabangcura-Domenden