COVID-test sa China travelers ikakasa ng Japan

COVID-test sa China travelers ikakasa ng Japan

December 28, 2022 @ 10:12 AM 1 month ago


JAPAN – Ipinatupad ng Japan ang COVID-19 test para sa lahat ng darating na manlalakbay na galing sa mainland China, ayon kay Prime Minister Fumio Kishida.

Ang hakbang ay ikinasa kasunod ng pagtatapos ng anunsyo ng Tsina na hindi na ito magpapatupad ng inbound quarantine.

Pinagaan ng Tokyo ang mga paghihigpit nito sa mga turista sa mga nakalipas na buwan kung saan ang panibagong anunsyo ay nangangahulugan na ang mga manlalakbay mula sa China ay ang tanging mga bisita na kinakailangan na kumuha ng COVID-19 test sa pagdating sa bansa.

Sinabi ni Kishida na ginawa ang desisyon dahil “may impormasyon na mabilis na kumakalat ang impeksyon” sa China.

Ang mga manlalakbay mula sa mainland China, o na naroon sa loob ng pitong araw, ay kinakailangang magpa-COVID test pagdating sa Japan, ani Kishida.

Ang mga nagpositibo ay isasailalim sa pitong araw na kwarantin. RNT