COVID test sa mga Pinoy sa Macau ‘health issue’ lang – PH consulate

COVID test sa mga Pinoy sa Macau ‘health issue’ lang – PH consulate

July 23, 2022 @ 4:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tanging “health issue” lamang ang dahilan ng ipinalabas na direktiba na isailalim ang mga Filipino nationals sa daily coronavirus disease 2019 (COVID-19) test sa Macau.

Sinabi ng Philippine Consulate General sa Macau na hindi ito dapat politikahin.

Nauna nang ipinag-utos ng Macau government na ang sinumang residente na may tangan na Philippine passport ay dapat na sumailalim sa daily nucleic test mula Hulyo 22 hanggang 24.

Sa isang advisory, sinabi ng consulate na ang kautusan ay base sa dami ng mga pinoy na may sakit na COVID-19 kung saan sa nakalipas na dalawang linggo ay tumaas ito sa 24.5 porsiyento ng community infection sa Macau.

“The Philippine Consulate General, at the outset of this directive, has issued its position taking the directive as purely a health issue. And yet there are those who remain focused on politicizing this. To put this issue to rest, the Philippine Consulate General has expressed its agreement to the findings shared by the Macau Health Bureau that necessitates the issuance of a directive to our nationals in Macau,” anito.

Ang kahalintulad na direktiba ay ipinatupad sa ibang dayuhan mula sa kalapit-bansa.

“it “worked” without anyone raising a discrimination issue out of it,” ayon sa advisory.

“Are we Filipinos better than our sisters and brothers from our neighbor countries just because we have a significant number in Macau?” ayon pa rin sa advisory.

“The Filipino community and other migrant communities belong to the larger society of Macau now facing a serious threat. Let us all be part of the solution and provide our support and cooperation in fulfilling our role to help overcome this clear and present danger.”nakasaad pa rin sa advisory.

Base sa July 21 report ng financial, software, data, at media company Bloomberg, sinabi ni health official Leong Iek Hou na ang mga pinoy sa Macau ay “tend to have more gatherings, like meeting among friends”.

“It’s likely that they have more interactions within their own ethnicity, so we need to find out whether there are hidden sources of infections among them via frequent testing,” ayon kay Leong.

Tinatayang, may 30,000 Pinoy na nakatira at nagta-trabaho sa Macau, base sa pinakabagong data mula sa consulate. Kris Jose