COVID testing para sa returning OFWs sagot pa rin ng PhilHealth

COVID testing para sa returning OFWs sagot pa rin ng PhilHealth

September 24, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Biyernes na ipagpapatuloy nito ang coverage ng COVID-19 test para sa overseas Filipino workers (OFWs) na babalik sa bansa.

Inihayag ng PhilHealth na maglalabas ng specific guidelines sa isang circular, na may retroactive effect sa Agosto 31, 2022.

Nauna nang ipinalabas ng PhilHealth ang Circular 2022-0018 upang ihanay ang COVID-19 testing coverage sa Department of Health Memorandum No. 2022-013 o ang “Updated Guidelines on Quarantine, Isolation and Testing for COVID-19 Response and Case Management for the Omicron Variant.”

Sa circular, sasaklawin ng Philhealth ang bayad sa reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) test, plate-based o cartridge-based, sa mga sumusunod na priority groups: A1 (healthcare workers); A2 (seniors), A3 (people with comorbidities and high risk for severe disease), and everyone except A1, A2 and A3 – na may sintomas ng COVID-19.

Saklaw ng Philhealth ang plate-based (RT-PCR) tests mula P800 hanggang P2,800 at cartridge-based PCR mula P500 hanggang P2,450, depende sa available na serbisyo.

Ang COVID-19 testing package ay available rin sa mga miyembro at kwalipikadong dependents sa 230 accredited laboratories sa buong bansa.

Binigyang-diin sa circular na hindi inirerekomenda ang COVID-19 testing para sa screening ng asymptomatic na mga indibidwal at asymptomatic close contacts.

Sa halid, inabisuhan ang asymptomatic individuals na bantayan ang mga sintomas. Sakaling kailanganin ang testing, kinakailangang isagawa ito nang hindi bababa sa limang araw  fmatapos ang huling exposure.

Iginiit naman ng PhilHealth na ang symptomatic patients na sakop ng COVID-19 Home Isolation Benefit Package at COVID-19 Community Isolation Benefit Package providers ay pasok sa facility-based rapid antigen test (RAT) package na nagkakahalaga ng P500.

Pwede ring gamitin ng mga pasyente ang RAT package kapag na-admit sa accredited hospitals, infirmaries, at dispensaries. RNT/SA